Legs

a sure way to get attention at the race. and o...

Image via Wikipedia

Isang nakakaasar na issue ay kung naka-short-shorts ang babae, tapos magagalit siya dahil napapatanga ka sa kanyang, um, asset(s). Kumbaga’y naglagay ka ng lason ng daga bilang pain sa paligid ng bahay mo, at nagalit pagkatapos makita ang mga nagkalat na patay na daga sa paligid. Hindi ko naman sinasabing masamang mag-short-shorts, ngunit sana naman ay isipin din nila na isa sa mga resulta nito’y medyo biswal na paghanga ng mga kalalakihan (at maaari ng iba pa, tulad ng mga lesbiana at mga hayop sa paligid) ng mga parteng magiging “visible” dahil sa pagsusuot ng damit-paimbaba na ito.

At least inaamin ng Hagibis na naaakit sila rito, hindi nga lang direktang sinabi kung dahil sa short shorts.

Hindi ko rin naman sinasabi na tamang tungangaan ng mga nagkainteres bigla ang katangiang ito ng mga babae, dahil sa kultura (at relihiyong mayorya ng bansa) natin ay hindi ito katanggap-tanggap, dahil isa itong uri ng pambabastos sa mga kababaihang nais magbigay ng fashion statement o kaya’y sadya wala nang ibang maisuot. (Kawawa naman mga dudes, huwag niyong pagtripan.) Kaya payo nina Sir Rex at Pakito Jones ng Kantateros (and by extension, ako na rin) sa mga babaeng mahilig magsuot ng ganitong pananamit ang videong ito.

Kababaihang mahilig sa short shorts pa lang ang pinag-uusapan natin dito, ha. Paano kaya ang mga lalaking mahilig sa short shorts? Bagay kaya ng mga lalaking mag-short shorts (maliban na siguro sa swimming at cycling trunks)? Tinutungangaan din kaya ng mga nagkakainteres ang kanilang mga legs?

Advertisements

1 Puna

Filed under Dedications, Scribbles, Videoke, Videos

One response to “Legs

  1. Pingback: Natural Events ⇒ Kamalasan | ~~~!!!~~~

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s