State Elections and… State Funerals?

Posted to Multiply on Sep 5, ’09 10:25 AM

Доброе утро! Andito nanaman ako, maninira ng buhay ng may buhay. 🙂

Hayz, walang pasok bukas. Kasi… ililibing si Manalo.

Sino ba yun?

Grabe talaga. Hindi na sila nagsawa ke Cory. E katatapos lang ng libing nya a?

Sino pa bang mamamatay jan? Si Sin?

Anyway, di nyo ba pansin na mukhang dumadami ata ang state funerals ngayon. At kung hindi nyo pa rin ma-gets, e diba malapit na ang eleksyon?

Grabe talaga.

Hmmnn.. Matalino nga si Gloria. Harvard-UP product nga. Mga eskwelahan na breeding grounds ng mga surot, este, mga magagaling (dumiskarte). Sorry. Typo un. 😉

Kasi diba pag may eleksyon, uso ang mga projects? Patayo ng mga buildings jan, tulay dito, bahay dun… kulang na nga lang ata pati kariton ni manong e palitan nya ng shining shimmering kariton (alangan). Mga tipong pa-impress ba sa mga boboto. Kasi nga naman, eleksyon. Para masabi naman ni manong magkakariton, “OMG! Bago na kariton ko! Maiboto nga itong surot, este opisyal, na ito.” (Sabay ngiti hanggang third floor.)

My God, ang kulit ng kamay ko a. Typo palagi. Sorry.

Pero iba yung trip ng dwende sa Malacañang e. Imbes na projects, state funeral.

Grabe talaga.

Papatulan nga rin sana yung proposition na gawing national hero si Cory. Worst case: gawing santo.

Hmmnn.. Mukhang siya ang magiging patron saint ni Sin.

Grabe kayo. Tigilan nyo na yan. Di ba nga kaya nyo ginawang 4-day work week (at sinama ang lunes sa ‘weekend category’) ay dahil masyadong maraming holidays? O walang pasok? O baka sadyang anlakas ng trip ng mga nagrarally na itaon ng Lunes ang mga kalampagan nila, kaya mi-nove nyo nga naman kasi traffic papuntang Malacañang nun. (Ayaw ng dwende na natatrapik, FYI. Surot ata sa Harvard ito. ;))

Anyway, maraming reforms na nagawa si Gloria, kung papansinin mu nga naman. Nandyan ang mahiwagang pagre-reshuffle ng holidays (kulang na lang ata pati pasko at graduation i-move ng lunes e…). Pati ang consistent use ng (very accented, kung papansinin nyo) English language. Magsama nga sila ni Pacquiao.

At ngayon, ang state funeral.

Grabe. Anlakas ng trip nya a. Humithit siguro ng katol.

Sige na nga. Sign-off na ako. Baka habulin pa ako ng surot.

Subukan lang nya. May baygon ata ako dito.

Ay, oo nga pala. Addicted pala siya run. E yun ata ang hangin nya e.

Makaalis na nga.

 

Multiply comments

thegenuisishere wrote on Sep 22, ’09
Hello po ulit.Hindi naman po ako na-offend masyado. Nice to hear from you again. 🙂

Tungkol lang po sa “kaestupiduhan”, siguro po nakikita nating stupid ito sa ating point of view, pero I think hindi sa mga gumagawa nito.

Naalala ko tuloy nung nasa borading house ako ng isang friend. May report na maraming namatay dahil sa stampede(?) sa parada ng Black Nazarene. Tapos sabi nung lola ng friend ko, bakit daw nag-gaganyan sila.. and other things na I find offending. Parang katangahan lang daw yung ginagawa nila.

Na-offend ako kasi hindi dahil sa isa ako (o ang pamilya namin) sa mga pumupunta doon, ngunit dahil na-sense ko ang kawalan ng respeto. Kasi nga naman, alam naman ng mga tao dun na pwedeng mangyari yun. Pero bakit sila nagpupunta sa mga ganun? Kasi napapalakas (nga ba?) ang paniniwala nila sa mga ganung gawain.

BTW, Born Again ang sekta ng pamilyang aking naba nabanggit.

Ako rin minsan nakikita ko ang mga ganitong mga paraan bilang “stupid”. Pero sa paglipas ng panahon, kahit papaano ay natutunan kong i-respeto sila kasi nga naman, kung yun ang nagpapatibay ng kanilang paniniwala sa Diyos (kung mayroon nga), bakit natin sisirain yun?

Parang sa konsepto lang yan ng pagiging pagano at hindi. Syempre, tingin natin sa mga taong “walang Diyos”, ika nga, na pagano sila. Pero, sa tingin naman ng ibang tao na “iba ang Diyos”, o “walang Diyos”, ay pagano tayo o nag-aaksaya lang ng oras sa pagsamba sa wala. E di sumatotal, lahat tayo pagano.

Hindi po ako naghahanap ng away, o isang religious debate. Sinasabi ko lang naman po ang aking view sa mga bagay na ganito. Parang sabi ko nga po, hindi ko intensyong manlait ng relihiyon o sistema ng paniniwala sa post na ito. Bale, sabihin na natin, pinasasaringan ko ang mga taong nabanggit ko dito pero hindi yung mga institusyong kinikilingan nila.

Sana po naging clear ang posisyon ko. Salamat din po, anagrams, sa pagbasa sa post ko na ito.

Mabuhay at magandang araw sa inyong lahat. 🙂

anagrams wrote on Sep 22, ’09
Very well said, remind ko lang sa iyo pag salvation na ng kaluluwa ang usapan hindi madadaan ito sa opinion. You have to work hard for this kailangan talagang mag-suri tayo sa bagay na ito. Actually hindi naman ako nanlalait sa ibang relihiyon ang nilalait ko ay yung kaestupiduahn dahil what stake here is yung kaligtasan ng kaluluwa ng tao. but just like JP Rizal hindi naman siya pinatay dahil sa affiliation niya sa mga katipunero kundi yung ekpose niya sa mga maling doktrina ng Iglesia Katolika na ang resposable dito ay yung mga Pare at Obispong kastila na nagdala sa atin nito. Anyway I get your point and I sensed you are intelligent guy, sorry din kung na-offend kita. Peace man and have a good day.

thegenuisishere wrote on Sep 19, ’09

Sorry ngayon ko lang nabasa ang blog mo late tuloy ang reaction ko. Di ko kasi alam kung saan ka planeta galing at hindi mo kilala si Ka Erdy Manalo ng Iglesia Ni Cristo. Si Ka Erdy kasi hindi ito kapareho ni Brother Eddie ng JIL, ni Brother Mike ng El Shaddai at ung pare na may anan sa mukha na naging governor ng Pampanga. Hindi ito mapapael tulad ng mga nabanggit ko, Pero napakalaki ng contribution nito sa Pilipinas na kahit pagsama-samahin mo na lahat ng Presidente ay hindi nila kaya ang nagawa nito para bigyan ng karangalan ang ang lahing Pilipino. Bakit, kasi ang INC Global Church, at homegrown church ito na hindi dala ng mga Kastilang Katoliko at mga Amerikanong Protestante.Ngayon kung katulad ka ng iba na sumasamba sa mga rebulto, nangungumpisal sa pare, nagsa-sign of the cross at nagro-rosary na at amen ng amen sa mga preacher ng born again at charismatic sa TV ay di mo nga siya kilala. Dapat ba siyang bigyan ng state funeral? Dapat kasi nakakalula ang kanyang contribution sa bansang ito.

Hello there.I appreciate your comment.

Oo aaminin ko, hindi ko kilala si Ka Erdy (as you would like to call him). ITFP, hindi po INC ang religious affiliation ko. I do respect INC and its members, kaya po kung na-hurt ko po kayo (most likely, kasi sa tono ng message), sorry po.

Pero lilinawin ko rin: altough RC ako, hindi ako devout. At hindi rin ako yung tao na tipong naglalakad nang nakaluhod (o lumuluhod nang naglalakad?) sa Quiapo Church, nor sumasamba sa mga rebulto ng mga santo sa kung ano pa mang simbahan yan. Hindi rin ako nangungumpisal sa pari, kasi in the first place hindi ako naniniwala masyado sa “Biblical basis” daw ng sakramentong iyon.

However, I do think you went over the board here (as i did). Kasi parehas lang tayong nanlait ng mga sekta ng Kristiyanismo.

Anyway, hayaan nyo po, hindi naman ako na-offend (although, siyempre naman, ma-o-offend ka kasi parang flame kasi yung reply). At tsaka hindi ako nareply para mang-flame. (Edukadong tao naman po ako, kahit papaano.)

Regarding lang naman po sa “kilala mo ba si Ka Erdy?” issue, ito lang po ang isasagot ko: maiibsan ba ang paghihirap ko sa paggawa ng aming Machine Problem sa CS 150 kung kilala ko siya? O yayaman ba ako? (among other things…)

Alam kong pilosopong sagot iyon. Kaso, ang point ko lang naman ay “kailangan ko bang makilala si ?”

I repeat, nirerespeto ko ang iba’t-ibang sangay ng Kristiyanismo (at hindi rin naman ako yung tao na nag-i-insist na “mas magaling ang simbahan namin kesa sa inyo”, o “sali na kayo sa aming fellowship, kasi wala naman kayong mapapala diyan sa simbahan nyo, na dasal lang ng dasal ng “Ama Namin” pero hindi naman nagbabasa ng bibliya”, among others). Hidi ko intensyon sa blog na ito na manlait (although parang ganun na nga).

We are entitled to our own opinions ITFP, no matter how good or how bad they are.

anagrams wrote on Sep 16, ’09
Sorry ngayon ko lang nabasa ang blog mo late tuloy ang reaction ko. Di ko kasi alam kung saan ka planeta galing at hindi mo kilala si Ka Erdy Manalo ng Iglesia Ni Cristo. Si Ka Erdy kasi hindi ito kapareho ni Brother Eddie ng JIL, ni Brother Mike ng El Shaddai at ung pare na may anan sa mukha na naging governor ng Pampanga. Hindi ito mapapael tulad ng mga nabanggit ko, Pero napakalaki ng contribution nito sa Pilipinas na kahit pagsama-samahin mo na lahat ng Presidente ay hindi nila kaya ang nagawa nito para bigyan ng karangalan ang ang lahing Pilipino. Bakit, kasi ang INC Global Church, at homegrown church ito na hindi dala ng mga Kastilang Katoliko at mga Amerikanong Protestante.Ngayon kung katulad ka ng iba na sumasamba sa mga rebulto, nangungumpisal sa pare, nagsa-sign of the cross at nagro-rosary na at amen ng amen sa mga preacher ng born again at charismatic sa TV ay di mo nga siya kilala. Dapat ba siyang bigyan ng state funeral? Dapat kasi nakakalula ang kanyang contribution sa bansang ito.
Sep 5, ’09 10:25 AM
Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under Archives, Multiply

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s