Category Archives: Videos

My Way – Frank Sinatra

I did what I had to do
And saw it through without exemption.
I planned each charted course;
Each careful step along the byway,
And more, much more than this,
I did it my way.

— Tagtag na empleyado

Para sa mga taong solo flight, tumatapos ng mga responsibilidad ng mga pabaya, at pinamumunuan ng mga seagull, inaalay ko sa inyo ang awiting ito. Pampalubag-loob, nawa.

Mabuha, mga martir.

Paalala: Paabiso po sa comments kung hindi na gumagana ang video sa taas, upang mapalitan. Maraming salamat.

Advertisements

1 Puna

09 Nov 2014 · 0:08:57 UTC

Grind With Me – Pretty Ricky [NSFW]

Grind with me.
– MRT passenger sa palabas na pasahero

Para sa mga mananakay ng MRT, lalo na tuwing rush hour.

Lalong-lalo na sa mga bumababa sa mga istasyong walang gaanong human traffic, gaya ng GMA-Kamuning at Santolan.

Mukhang ito ata ang nararapat na ipatugtog sa intercom ng tren; pampalubag-loob sa mga pasaherong nag-a-ala-sardinas para lamang makarating sa paroroonan.

Ika nga ng kasabihan:

Trains: more fun in the Philippines.

Mag-iwan ng puna

Filed under Videoke, Videos

Hindi Kita Iiwan – Rey Valera

Tinangka nating mangarap sa mundong sadyang mapagkait.
Ngunit ano man ang mangyari sa ating pagmamahalan,
Mahal ko, laging umasa.
Hindi kita iiwan.
Hinding-hindi kita iiwan.

— Naniningil ng utang

Para sa mga naniningil, at sinisingil, ng utang.

Paalala: Paabiso po sa comments kung hindi na gumagana ang video sa taas, upang mapalitan. Maraming salamat.

Mag-iwan ng puna

Filed under Videoke, Videos

Conditional Morality

Noong nakaraang Miyerkules (Nob 14, 2012), nagbabasa lamang ako ng kung anu-ano sa aking Facebook feed habang nakikinig kay Parry Gripp nang may lumitaw na nakakaintrigang paskil. Binasa ko ang description na binigay ng orihinal na nagpaskil, at minabuting huwag nang panoorin ang video na tinutukoy niya. Ilang minuto ang lumipas, ngunit hindi pa rin ito mawala sa aking isipan kaya pinanood ko rin, hindi iyong orihinal kundi iyong bersyon na nasa YouTube na ipinamahagi ng pinsan ko. At medyo umangat ang blood pressure ko.

Ito ang nasabing video, na naging viral nang araw na rin iyon (ipinaalam sa akin ng DZMM sa aking Facebook feed).

Sino nga naman ang hindi iinit ang dugo sa unang tingin? Lalo na kapag galit ka sa isang iskandalosang ingliserang mukhang ewan. ‘Yung feeling niya ang ganda ganda niya’t siya ang may-ari ng LRT.

Kaya nakisali rin ako sa uso: ibinahagi ko ang video na nabanggit, at sinundan ang ilang shorts sa Internet patungkol dito. Makikita na nga rin ito sa memegenerator.net. At tuluyang namayagpag ang insidente sa interwebz.

Maraming nanlait (kasama ako), at mayroon ring nakisimpatiya, sa babaeng butangera. Nagkaroon ng sandamakmak na moral debates sa comments section ng iba’t ibang websites na naglakas-loob na icover ang nangyari. Sa aking Facebook feed, ito ang naging kontribusyon ko (maliban sa pagtulong sa pagpapakalat ng video):

May bago na namang victim ng cyberbullying. This time, she deserves it.

(Well, deserved din naman ni Sotto yung nangyari sa kanya. Epal kasi.)

Ito rin ang panahong masarap siyang kantahan nito:

Makalipas ang ilang araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin; nagsimulang maglabasan ang mga paskil tulad nito:

So on one corner we’ve got people judging the “liar” girl, and on the other there are people judging the people judging the girl. Let’s all judge each other! Haha

Sa puntong ito, hindi ko na masyadong pinapansin si amalayer, pero noong nabasa ko ang ilang paskil na tulad noon, hindi ko maialis sa akin na mainis sa mga taong sumusuporta kay amalayer. Para bagang kinukunsinti pa nila iyong epal na iskandalosa.

Pero naisip ko bigla ang konsepto ng conditional morality, at naging neutral ang posisyon ko.

Hindi ko na mahanap kung saan ko unang nabasa ang konseptong ito; hindi ko rin sigurado kung ito ba talaga iyong term na ginamit doon. Pero kumbaga parang ganito ang pagkakaintindi ko sa kanya:

May mga kaugaliang nagiging acceptable o hindi depende sa sitwasyon.

Halimbawa nito ay iyon ngang nagyari sa LRT noong nakaraang Miyerkules.

Naalala ko tuloy ang isa pang kanta ni Parry Gripp:

They say at playing the fool
Everyone must take a turn
But when the spotlight lands on you
It burns, oh how it burns
You never learn…

Bale ano ang punto ng paskil na ito? Kung tutuusin, hindi ko rin alam; siguro nga kailangan ko lang ng maipapaskil para sa araw na ito. Pero siguro ito na lang ang masasabi ko sa isyung ito: kalimutan na natin si amalayer; tutal, nasira naman na natin ang kanyang buhay at imahe. Baka nga hindi na niya makuha ang kanyang pangarap na maging DJ. Marami na rin naman nang nangungonsensya sa mga naninira. Tsaka kung tutuusin nagmumukha tayong tanga sa harap ng mundo dahil mga balitang pang-tabloid ang sumisikat sa bansa natin.

Siguro nga, by nature tsismoso’t sandamakmak ang free time ng mga Pilipino, kasi kung tutuusin ay benign pa ito kumpara sa isang palabas sa TV5, kung saan nag-aaway ang mga magkakapitbahay sa harap ng camera. Tapos may lawyer, pari at counselor pa kunwari, at may host pa! Ang taas siguro ng ratings nila’t malaking pera ang nahahakot ng TV5, kasi hanggang ngayon nasa ere pa rin ang napakawalang-kwentang palabas na ito.

Oo, ito ang tinutukoy ko. At ito ang isang episode ng palabas na iyon.

Mag-iwan ng puna

Filed under Events, Scribbles, Videoke, Videos

Nyanyanyanyanyanyanya!

Naadik na ako sa kantang ito (at ang kanyang video).

Sa mga hindi nakakaalam, ito ang pamagat ng kantang mas kilala sa tawag na Nyan Cat.

Kung tutuusin, yung Nyan Cat ang pangalan ng pusa.

Oo, alam kong luma na ito. Pero bakit ba; walang basagan ng trip.

Kaya ito na si Nyan Cat.

Nyan Cat

Nyan Cat

Ito ang gif na nagpauso sa kanya:

Nyan Cat gif by prguitarman

Nyan Cat gif by prguitarman

Ito naman yung kanyang pamosong “music video” na gawa ni saraj00n.

Siyanga pala, ang gumawa ng Nyanyanyanyanyanyanya! ay si daniwellP, isang Hapon na sadyang masyado atang marami ang free time.

Ito ang link ng website kung saan mo puwedeng ma-download ang kanta: http://momolabo.lolipop.jp/nyancatsong/Nyan/Nyanyanyanyanyanyanya!.html

Siyempre, dahil maraming nagkagusto, naging Internet meme ito. Ito ang ilan sa mga napakarami nang spinoffs ng meme na ito:

  1. Nyan Cat 800% Slower Than Original
  2. Nyan Cat falls in love!!
  3. Nyan – The Movie

Para sa kantang ito, oo maikli ang 3 minuto. Kaya naman kung gusto mo, pagtripan mo na lang ang mga sumusunod:

  1. NYAN Cat – Extended Edition/Version
  2. Nyan Cat “Nyan”s for 1 Hour (Super Extended Version!) [HD]
  3. Nyan Cat – OMEGA Extended Edition【3 AND 1/2 HOURS OF NYAN SPLENDIDNESS】
  4. Nyan Cat 10 hours (original)
  5. Nyan Cat – 24 Hour Edition
  6. Nyan Cat 50 Hours
  7. Nyan Cat 100 HOURS

Kung may makita pa kayong mas mahaba sa 100 hours, paki-notify lang ako para maidagdag natin iyon sa listahang ito.

Para sa mga naghahanap ng lyrics, ito iyon ayon kay http://www.sweetslyrics.com/857896.Vocaloid%20Original%20Songs%20-%20Nyanyanyanyanyanyanya!.html

*nya nya nyanya nyanyanyanyanyanya
nya nyanyanyanyanyanyanyanyanya nyanyanyanya
nyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya nya
nya nya nyanya nyanyanyanyanyanya
nya nyanyanyanyanyanyanyanyanya nyanyanyanya
nyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya nya**nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanya nya nya
nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanyanyanya
nya nyanyanya nyanyanyanyanyanyanyanya nya nya(Repeat *, **…)

Para sa mga naghahangad ng kana version, ito iyon (nya = にゃ)

*にゃ にゃ にゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃ
にゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃ
にゃ にゃ にゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃ
にゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃ**にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃ にゃ
にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ
にゃ にゃにゃにゃ にゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃにゃ にゃ にゃ(Repeat *, **…)

Kung gusto mo pang magbasa patungkol sa Interet meme na ito, punta lang dito:

  1. Nyan Cat: http://knowyourmeme.com/memes/nyan-cat-pop-tart-cat
  2. Nyanyanyanyanyanyanya!: http://knowyourmeme.com/memes/nyanyanyanyanyanyanya#fn2

Sana hindi ka maadik nang lubusan tulad ko.

1 Puna

Filed under Internet Meme, Videoke, Videos

Vengaboys – Shalala lala

A good song, a memorable tune, and a good video. Just like Ma Boy.

You may want to loop this; head over here:

http://www.youtuberepeat.com/watch/?v=Obi4iELWJ3Y

Enjoy!

Mag-iwan ng puna

Filed under Videoke, Videos